Ken-thought(s).
Schrodinger’s cat

cheapthrillsandfastrides:

Here’s Schrödinger’s (theoretical) experiment: We place a living cat into a steel chamber, along with a device containing a vial of hydrocyanic acid. There is, in the chamber, a very small amount of hydrocyanic acid, a radioactive substance. If even a single atom of the substance decays during the test period, a relay mechanism will trip a hammer, which will, in turn, break the vial and kill the cat. 

The observer cannot know whether or not an atom of the substance has decayed, and consequently, cannot know whether the vial has been broken, the hydrocyanic acid released, and the cat killed. Since we cannot know, according to quantum law, the cat is both dead and alive, in what is called a superposition of states. It is only when we break open the box and learn the condition of the cat that the superposition is lost, and the cat becomes one or the other (dead or alive). This situation is sometimes called quantum indeterminacy or the observer’s paradox: the observation or measurement itself affects an outcome, so that the outcome as such does not exist unless the measurement is made. (That is, there is no single outcome unless it is observed.)

lifted from: http://whatis.techtarget.com/definition/0„sid9_gci341236,00.html

Dafuq was that?

Here’s another story, not exactly about Schrodinger’s cat.

A man and a kid were talking to each other. The man caught a small bird, small enough to fit in his hand. He cupped his hand and asked the child, “My child, is the bird in my hand dead or alive?”.

The child said:

“Sir, if i tell you that the bird is alive, you could simply crush the bird in your hand and tell me that the bird is dead. While if I tell you that the bird is dead, you could simply open your hand and let the bird fly.”

Until the box where the cat is is left unopened, the cat would remain to be either dead or alive.

On the other hand, guessing is not an option. It has to be experienced.

We have become a sloppy bunch of people. We say things we don’t mean. We make promises we don’t keep. “Forever I’ll stay” “Blah blah so on and so forth”. We know we won’t. On the Human Interaction Stock Exchange, our words have lost almost all their value. And the spiral continues, as we now don’t even expect people to keep their words; in fact we might even be embarrassed to point out to the dirty liar that they never did what they said they’d do.

I do not know the things that revolve on people’s mind nowadays. Distinguishing a person who’s at least as good as his words is now a hard thing to do.

So you tell me, is it a big mistake to assume when you know you’re only good at trusting craps you haven’t got an idea that they’re craps from the start?

I’m going to write it down because maybe if I do, I won’t have to think about it, and I won’t get upset.
Charlie, The Perks of Being a Wallflower
Cancerous Love

Ang relasyong puro nalang away, at wala na ginawa kundi away ay katulad ng taong tinamaan ng sakit na cancer.

Malignant ang case nila, ang kaso ay in denial sila sa umpisa, pinabayaan kaya malalaman nalang nila na stage 3 o 4 na ang sakit na tumama sa kanila. Pilit nilang bubuhayin ang relasyon, pilit silang lalaban, pilit nilang isasalba ang lahat. Pero huli na ang lahat. Lumaban man sila ng maikli o mahaba mang panahon ay mawawakasan din ang lahat.

Meron din namang mga naka-survive, dineclare na sa wakas ay cancer free na sila kaya panibagong masayang yugto nanaman ng relasyon ang bubuhayin nila. Habang binalaan naman ang ilan na sa ano mang panahon ay maaaring bumalik ang mga cancer cells kaya pananatilihin nilang malusog ang relasyon nila. Pero kaunti lang ang nabigyan ng ganitong pagkakataon. Dahil ang karamihan, na kahit ayaw pa nilang bumitaw ay mismong pag-ibig na ang bumitaw sa kanila.

Saksi ako sa mga relasyong lumalaban sa sakit na to. At sa lahat ng nakikipaglaban, lakas lang ng loob para malaman kung hanggang kelan ang laban o kelan hihinto. At sa lahat ng napagod na sa pakikipaglaban at wala na talaga, May you guys have RIP—Relationship in Peace. 

Our ancestral house at Candon, Ilocos Sur. Taken last May of 2011. Isn’t it obvious that my ancestors despised the color of pink a lot? Hee.

It’s been almost a year since my family paid our last visit here. And I just thought of where I should spend my summer vacation when second semester ends. On solitude, yes, methinks it’s great to travel alone once in a while, esp when you just turned at the age of twenty and enjoying your celibacy. Hee. So go get ready pink house, we shall meet again.

Side A, side B

Siya ay babaeng napakalakas. Walang inaatrasang hamon. Matapang. Matibay ang loob at hindi basta-basta nagpapaapekto sa tsismis ng buhay. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Alam niya kung papaano sumaya kahit na nag-iisa at madali para sa kanya tanggapin lahat ng unos na dumadating sa buhay niya.

Iihip ng malakas ang hangin at maiiyak nalang siya. Takot na takot, nakabalot ng kumot sa isang sulok, parang batang humihingi ng saklolo at uhaw na uhaw sa kalinga. Gustong maalagaan, mayakap at maprotektahan. Sumusigaw at nagdurusa ngunit walang gustong makinig at dumamay sa kanya.

Itutulog nalang niya ang lahat. At paggising niya, siya na ulit ang babaeng napakalakas at taas noong handang harapin ang lahat.

Paranas muna

Parang anytime maglalaho nalang akong bigla. Natautrauma na ko sa mga nangyayari sakin. Natatakot ako.

Tas naisip ko gusto ko pa palang maranasang makipag-sex. Lol.

Ini-imagine ko nga na kung sakaling magising nalang ako isang araw na nasa langit na at bibigyan ako ni San Pedro ng huling oras na pagkakataon para muling mabuhay at tatanungin nya kung saan ko paggagamitan ang mga huling minuto ng buhay ko ay sasabihin kong uubusin ko yon para makipag-sex, tas tatawad pa ako ng extension na kung pwede habaan pa ang oras na palugit.

HAHA, matatawa nalang siya bigla tas sasabihin niya na ang dahilan pala ng pagkamatay ko ay rape. 

Wut. K. This is not getting any sense. 

Kamuntikan pang hindi magbente

Malas ata ang binabati ang sarili ng advance happy birthday lalo kung tutuntong na sa edad bente? Ewan ko ba, matagal na ata sinisikreto ng mga magulang ko na may kakambal ako—ang disgrasya.

2 days bago ang kaarawan ko, buong akala ko ay sasalubungin na ako ni kamatayan. Buong akala ko hindi ko na mararanasan ang buhay twentysomething. Syempre ay buong akala ko lang yun.

Susmaryosep kasi, kakarecover ko lang sa pilay at mga pasa ng mahulog ako mula sa hagdanan ng second floor ng mall ay eto’t may panibago nanaman, at hanggang sa loob ng CR, my near death saga continues.

I-imagine mo nalang kung papaanong katangahan ang nangyari kaya tumama ng wagas ang kaliwang tagiliran ko sa inidoro, dahilan para tumama ang ulo ko sa katabing balde na may lamang tubig hanggang sa humalandusay ang seksi kong katawan sa sahig. Kamuntikan na kong mawalan ng wisyo, nandilim ng bahagya ang paningin at pilit kong hinahabol ang hininga ko.

Pero isa lang ang naisip ko ng oras na yon—ang dyaheng mamatay ng hubo’t hubad. Naisip ko matagal-tagal na rin pala ng huli akong mag shave. Nakakahiya. Lol. Buti nalang naisip din yon ni adrenaline. Bigla akong napatayo. Oye, buhay pa ko. Never mind the pain.

Day off ko nung kaarawan ko hindi para pumarty kundi para ipahinga, once again, ang nabaldo kong katawan. Hey, I’m totally (well almost) damaged, pagkababae ko nalang ata ang tinira ng disgrasya.

Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nabigyan nanaman ako ng ewan ko kung pang-ilang pagkakataon ko na ng buhay to. I still have a mission to do, ako ata ang itinakdang makakahanap ng nawawalang Yamashita Treasure. Luls.

E kung pabanguhan lang ng resume ang labanan, e di gumamit ka ng scented paper
Hindi lang cornetto ang bente

May misyon ako alam ko, nararamdaman ko, pero hindi ko pa alam. Wut.

Matutuldukan nanaman ang isang kabanata ng buhay ko. Kabanata na ayaw lisanin ng nakakarami, kabanata ng napakaraming tanong at diskusyon; Ang kabanata ng kabataan o pagiging tinedyer.

19 years, nakasurvive ako sa indayog ng bangkang sinasakyan ko, sa init, sa lamig, sa araw, sa ulan, sa bagyo, sa tsunami, sa mga pating, pirana, at shokoy, nakalampas ako. 

Pwede namang tumaob ang bangkang sinasakyan ko, kaso hindi pa. Pwede namang pinagpiyestahan na ako ng mga lamang dagat, kaso hindi pa. Mukhang madami pa kong dapat matutunan sa byahe ko, mapa-dagat, lupa, o himpapawid man.

O pwede ding madami pa akong dapat tulungan mapaandar ang sarili nilang bangka o ibalik sa tamang isla ang nawawalang direksyon nilang bangka at sabayan sila sa kanilang byahe. O pwede ding tulungan nila akong hulmahin at mas lalong pagtibayin ang puno ng ika at gasgas kong bangka.

Hindi ko alam kung kelan titigil ang byahe ko. Kung ngayon man, bukas man, o sa susunod pang taon, hindi na yon ang mahalaga. 

Basta sa sususnod na byahe, alam kong kasama pa rin ako o sasama pa rin ako sa byahe mo =) 

Happy Natal Day to me! :) Bente na ko, pero maliit pa rin ang boobs ko. Lols.

Gusto ko lang i-greet ang sarili ko ng mas maaga, dahil sabi ng kalendaryo sa sabado papatak ang kaarawan ko. Meaning, sale sa Quiapo kaya magiging busy ako. HAHA. Tsos.